A video portrait from my last shoot.
Feel free to watch, I there you to stop staring! I’m sure you wouldn’t because Leshley is just loveeeeelyyy ♥
Talent: Lesley Lema
Official Soundtrack: Young and Beautiful - Lana Del Rey
GANDAAA ♥♥
First year pa lang kami, ganyan na kaganda si Leshley. =)))) Nakakatuwa lang =) Hahahaha =))
I don’t know why but I feel like things are being so so so relevant. I feel like it is God’s way of telling me that I’m turning a year older and I shall know my responsibilities. It’s just yesterday when I finally decided on who I really want to be. I really want to become a doctor. (There’s a story behind it. I almost cried at the jeep yesterday☻.) I know it would be a long run and that it would take many sleepless nights because of studying and working hard but I am really determined right now. I can only hope I won’t lose this determination in the process. I promise I would put God in everything that I do, I know He’s the only one who would give me the strength, will and passion to do this.
Aside from that, though, I also want to become SOMEONE. How would I say this when I don’t even know how we call a person who does things like this… Hmmm. I want to be a National Peace Ambassador or a preacher or a whatever that promotes hope and peace when I grow up. I want to help people emotionally. I want to be a counsellor or something. Basta, I want to be SOMEONE GOOD when I grow up. I want to represent WOMEN, most especially. Ever since I’ve read Safe Haven, I became this focused and determined about standing up for women’s rights and enlightening their minds about their own bodies. (Insecurities and all) I know I’ve said it a million times but I don’t want people (girls especially) to feel lonely, insecure, depressed, etc. I feel like I’ve been through a lot and will go through a lot pa rin. I know life’s not going to be easy, that’s why I want to be an inspiration.
My mind’s thinking about many things right now. I’m seriously having doubts if I want to become a nun someday. It’s a serious matter, I won’t be posting this if I’m not serious about it. But of course and as expected, I won’t. I really won’t. Not because I don’t want to be but because I know God has better plans for me and some things just don’t fit me (on being a nun). You know, I’ve done things a nun won’t just really do. ☺
1. Seductive something.
Hahaha. Diyan, di ako magtataka. Joke. :-) Naisip ko pa ‘to sobrang matagal na talaga kung bakit “medyo” marami rin nagsasabi sa’kin na ganyan nga raw. Or anything na tungkol sa pagiging seductive. Naisip ko, siguro kasi dahil rin sa mga sinusuot ko :-) Pero minsan may mga nagsasabi rin na sa buhok ko or sa lips or sa mata. Tapos ‘yung mga pictures ko rin talaga raw minsan, parang nangseseduce na ewan. Pero minsan, kapag nagpipicture lang talaga ako, at kapag feel ko, nangiti lang talaga ako sa camera tapos wala na akong pake sa suot ko. Nakikita naman ng nanay ko ‘yung mga pictures ko. Hmmmm. HINDI naman talaga ako ganyang type ng babae na seductive ‘yung image. PROMISE, hindi talaga. Kasi wala rin naman akong mai-sho-showcase sa katawan ko. Hello guys, harap at likod wala kayong makikita sa akin. Hahahaha. At tsaka medyo bata pa rin talaga ako O:) Minsan kasi may mga nag-TTA na ano daw bang vital statistics ko. Natatawa na lang ako na nahihiya na ewan. :-) Kapag nakilala niyo ako sa personal, parang makikita niyo ko na sobrang bata ko pa talaga. Hindi pang ganun na image. :-) :-)
2. SUPLADA
Ewan ko lang, ha. Pero tingin ko naman hindi ako SUPLADA. Ganito kasi ’yun, (mageexplain talaga ako) Number 1. Kapag may nakakakita sa’kin sa mall or kahit saan na classmate ko or kakilala ko, minsan may magtetext na lang sa’kin, “Suplada mo naman.” or “Inisnob mo ko.” Eh, ako naman minsan wala talaga akong kamalay malay kasi sobrang LABO talaga ng mata ko at sobrang BINGI ko lang rin talaga minsan. Number 2. Ang daming nagtatampo sa’kin kasi hindi ko raw sila nirereplyan sa chat/”seen”, or sa text. Sobrang BAGAL kasi talaga minsan ng internet namin na tsumatsamba talaga. Minsan kasi sobrang excited pa ko magchat, tipong nobela pa ‘yung sasabihin ko, magseseng pa ako ng picture tapos minsan gagamitin ko pa ‘yung account ng nanay ko tapos AKALA ko magsesend ‘yun naman pala, HINDI. Tapos sa text naman minsan, natsatsambahan rin talaga na wala na akong load. :-)
‘Yan na lang muna. May iba pa akong naiisip pero tinatamad na akong magtype. Hahahahaha
BENEDICT RED ♥
Eto si Ben, ang dami ko nang post tungkol sa kanya pero popost ko talaga ‘to kasi baka nagtatampo na to sakin. </3 Hahaha. Isa siya sa mga PINAKAclose ko na lalake sa buhay ko ngayon. Ang dami lang talaga naming moments together, nilakad namin simula school hanggang South Garden. (Ay, actually nakabike siya nun tapos ako naglalakad☺) Sobrang sweet neto na lalake. Tsaka masaya talaga ako pag kasama tsaka kausap ko siya, parang hindi mae-empty ‘yung usapan niyong dalawa. Lagi kasi siyang may mga kinukwento na ewan, nakakatawa talaga =)) Pinakahindi ko makakalimutan na kwento neto eh yung nung birthday niya ang dami raw bumati sa kanya (hahahah)kasi mga ilang beses niyang kinwento sakin yun. Tapos nung magtatapos na ‘yung school year, nagkakwentuhan kami tapos kinuwento niya nanaman yun kaya medyo kabisado ko na. =))) Nakakatuwa pa rito kasi ‘pag sinabi kong sumayaw siya, sasayaw siya talaga e sobrang sexy niya pa naman pag sumasayaw. Tapos nung pinakanta ko rin siya tsaka pinagawa ng cover ng A Thousand Miles, ginawa rin niya. ♥ Tsaka siya pa lang yung nakikita kong lalaki na may isang salita. Eh sobrang nakakatuwa ‘yung ganung lalaki. Tipong ‘pag sinabi niya, gagawin niya talaga.
Minsan din talaga, sa kanya ko na lang nasasabi yung mga problema ko sa pamilya tsaka sa iba pa. </3 Tsaka ewan ko ba, pero madalas kong nasasaktan ‘tong tao na ‘to (physically). Nakokonsensya ako. :-( :-( Tsaka mahilig din siyang magcompliment kaya sobrang nakakatuwa ♥♥
Sana naman ‘wag niya ‘kong kalimutan ‘pag nagcollege kami tapos sobrang sikat na siyang dancer ng La Salle </33 I love you so much Benedict =)))) (lolololol☺☺)
Suot ko rin pala yung tshirt ng EX BOYFRIEND ko kahapon. :)
Sa totoo lang, medyo nahihiya akong ipost ‘to pero minsan lang naman, eh.
Nakalimutan ko na kug pano ‘to napunta sa’kin pero ang masasabi ko lang, ngayon ko lng ulit to nasuot kasi nung first time na sinuot ko ‘to, sobrang daming sermon na nakuha ko kay Mama.
Sobrang dami rin naming memories nung “taong” ’yun at masasabi ko talaga na sa kanya ako naging sobrang sweet, clingy, at cozy sa lahat ng taong nakilala ko. Nakakatuwa isipin na sobrang komportable ko sa kanya dati, tipong pag magbibihis ako sa kanya na lang ako magpapasama kasi WALA talaga akong tiwala sa ibang tao nun.Sobrang dami rin naming mga “first times” at moments na pinagsamahan kaya sana ‘wag niya namang kalimutan ☺
Ang gusto ko lang ngayon, sana maging friends kami. Yung tipong walang ilangan. Ayun lang, nothing MORE nothing LESS.
Ang dami talagang naiinis sa’kin kasi sobrang masungit daw ako tsaka suplada. Tipong kapag may nagiging sweet talaga sa’kin, feeling ko at feeling rin siguro nila, hindi ko nababalik ‘yung ganung level ng kasweetan. Ewan ko. Ako kasi, maentertain ko lang ng maayos ang isang tao, makabonding ko lang siya, feeling ko close na kami. Once kasi na nag-entertain ako, (nagreply ako or nagkausap ako or ano pa ba), ibigsabihin nun, mahalaga ka na sa’kin. Sa mga kaibigan ko nga, talagang na-o-OP pa ako minsan. Kaya once na patuluyin kita sa bahay namin or i-pm kita (minsan lang talaga mangyari na ako yung unang magppm), sobrang mahalaga ka na sa’kin.
Minsan kasi porket hindi ako sweet (alam niyo na, yung wordy na sweet), feeling ng mga taong mahal ko, hindi ko naaappreciate ‘yung ginagawa nila para mapasaya ako. Pero sa totoo lang, yun yung mga karapat dapat na ilagay sa diary ko or i-treasure. Kung alam lang talaga nila.
“Hindi ka na kumakain!” -Mother.
At yes, pinag awayan namin yan kagabi. Kaya sobrang mugto pa rin ng mata ko hanggang ngayon. At hindi pa rin kami nagpapansinan.
Isa sa mga bagay na natutunan ko habang tumatanda ako eh yung may mga bagay talaga na hindi para sa’yo, mga taong gusto mo na ayaw sa’yo, mga pagkakataon na hindi para sa’yo at maraming pang iba. Minsan talagang kailangan mong humarap sa mga bagay na sobrang magugustuhan mo, mga taong sobrang mamahalin mo pero hindi talaga para sa’yo. Minsan tinatapat lang talaga sa’yo ng Diyos para mahalin mo, tapos mawawala rin sa’yo.
Ganun talaga ‘yung buhay eh, may mga pangarap talaga tayo na hindi talaga para sa’tin. Or minsan ‘yung mga gusto natin, yun talaga yung hindi pwede.
Minsan hindi mo rin talaga maiiwasan na mainggit sa ibang tao kasi nagagawa nila yung gusto nilang gawin habang bata pa sila. Ako? Simple lang naman mga pangarap ko. Gusto ko lang sumaya talaga. Gusto kong lumabas kapag gabi tapos kumain. Simpleng kasiyahan lang naman yung gusto ko eh.
Pero minsan talaga kung ano pa yung pinakasimple, yun pa yung mahirap abutin. Kaya nawawalan na tayo ng pag-asa sa mga mas malalaki pa dun.
Eh eto nga lang na simpleng bagay hindi ko makuha, pa’no pa kaya yung pangarap kong maging doktor?
:-)
I just don’t like it when some people talk like that or act like that. I also don’t like it when people look for or search for a fight or an issue or something juicy to talk about. I don’t like it when people add fuel to the flame. Or when they create the fire themselves. That irritates me a lot.
There’s something that’s going on in FB that I don’t like.. People, oh people. I just don’t like it when people fight. And their choice of words irritates me. -End-
“Urrurrrrr” and “Singhot datu puti please” (???) (!!!) (>.<)
(Ugh)
Cover namin ‘yan ni James ng Terrified. Ang galing NIYA lang tlaaga kasi kahit na hindi kami magkasama nagawa namin ‘yan. Tapos siya rin talaga ‘yung nag-effort diyan. Ang ganda lang talaga ng boses niya tsaka basta, ang galing galing niya. ♥
Di ko pa talaga alam masyado ‘yang kanta na ‘yan eh. :-)
Ang dami lang talaga naming nagagawa ‘pag di kami nagkakatampuhan. Sana wag na kami mag-away please =))
Siguro namana ko na ‘to sa Papa ko kasi sabi nila Mommy dati mahilig daw si Papang magbasa ng mga komiks. Tapos yung lola ko rin naman sobrang hilig din niyang magbasa.
Simula bata pa lang ako, meron na akong sinusubaybayan na mga komiks kaso nawala siya sa tindahan nung siguro mga 8 years old ako or bago ako pumunta sa Dubai. Pero kahit ganun, talagang nung bata pa ako, mahilig na talaga akong magbasa basa ng English books or kahit yung, alam nyo yung tipong libro sa mga bookstores na parang mga grammar guide na parang textbook sa school pero hindi masyadong mahal? Tapos yung may mga sasagutan siya sa loob? Ganun! Sobrang hilig ko sa mga ganun nung bata ako. Meron pa nga akong binili sa Dubai nun eh. Andito pa siya sa bahay namin hanggang ngayon. :-)
Binabasa basa ko lang talaga sila tapos sinasagut-sagutan ko rin. Nakaugalian ko na rin na tuwing bago magbasa, i bbrowse ko ‘yung libro ko sa English tapos babasahin ko ‘yung mga stories or kahit anong interesting na mga bagay dun. :) Tapos tuwing magtatapos rin yung school year or magbabakasyon, yung mga hindi namin napag-aralan na short stories or yung mga natira sa libro namin sa English, binabasa ko talaga ‘yun. :-) Bata pa rin talaga ako meron na akong collection ng magazines, una ‘yung WITCH, tapos yung TOTAL GIRL hanggang sa naging CANDY MAG. :-)
Ngayon wala pa kaming libro pero sobrang excited na talaga ako. Kanina nga binasa ko yung libro ng kapatid ko eh. Sobrang dami ko lang talagang binasa ngayong araw na ‘to. Ngayon naman nagbabasa ako ng Encyclopedia (haha) Human Biology sa sobrang takot ko sa Nursing. Hindi pa ako handa magbasa basa sa Chem eh. :-)
Sobrang namiss kong magbasa. Ang sarap sa pakiramdam at sa utak. :-) Sa birthday ko ah? Kahit novel lang. :-P